Pag-gamit ng #VaxCertPH, pwede na sa Central Luzon

Binuksan ng pamahalaan ang paggamit ng #VaxCertPH sa Region III at Region IV-A bilang opisyal na digital vaccination platform para sa mga indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

Maaaring magamit ang platform na ito para sa international at domestic travels alinsunod sa guidelines ng World Health Organization tungkol sa Digital Documentation ng COVID-19 Certificates.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Isang Memorandum of Agreement ang pinirmahan ng mga opisyal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, National Task Force Against COVID-19, at SM Supermalls para sa soft launching ng #VaxCertPH nitong Oktubre 4, sa SM City Clark.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Ilulunsad ang #VaxCertPH sa buong bansa habang patuloy ang pagaayos ng DILG at DICT ng listahan ng mga indibidwal na nabakunahan mula sa datos ng mga lokal na pamahalaan.