Ganiel Krishnan, nagbitiw bilang Miss World Philippines 2021 2nd Princess

Nagbitiw si Ganiel Krishnan bilang Miss World Philippines 2021 2nd Princess.

Sinabi ni MWP national director Arnold Vegafria na nirerespeto ng Miss World Philippines Organization ang desisyon ni Ganiel na bitawan ang titolo nito bilang MWP 2021 2nd Princess para iprayoridad ang career nito bilang journalist.

Inanunsyo naman ni Vegafria na papalit sa pwesto ni Ganiel si Janelle Lewis ng Angeles City, Pampanga, na handa anyang tanggapin ang mga responsibilidad na kaakibat ng korona.

Sa isang Facebook post naman ay sinabi ni Ganiel na naniniwala siya na magkakaroon siya ng “greater impact” sa mga kapwa niya Pilipino sa pamamagitan ng broadcasting.

Nagpasalamat naman si Ganiel sa MWP Organization at sa mga kapwa niya beauty queens, at sinabi na ito na ang kaniyang “last foray” sa “world of pageantry”.