Covid Beds utilization sa Camarines Norte nasa moderate risk

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa moderate risk ngayon ang COVID bed utilization sa lalawigan ng Camarines Norte mula sa high risk level noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng DOH nitong Lunes, sa 181 beds na inilaan para sa Covid ay nasa 123 ang nagamit o katumbas ng 68 % utilization rate.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Nasa moderate risk din ang isolation bed matapos na makapagtala ng 67. 8 % kumpara noong isang linggo na sa nasa high risk.

Nasa low risk naman ang Covid ward beds utilization na may 53 . 3% utilization rate at low risk din ang ICU beds at walang naitalang pagamit sa mechanical ventilators.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Gayunman patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na sumunod sa health protocols kontra covid- 19.

Lalo’t mataas pa rin ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan na mayroong 1,013.

Nasa ilalim ngayon ng General Community Quarantine ang Camarines Norte.