Ilang ospital, napili bilang host sa pilot vaccination ng mga kabataan na 12-17 anyos

Tinukoy ng mga opisyal ng Department of Health ang ilang pasilidad na magsisilbing mga host ng pilot vaccination ng mga kabataan na edad 12-17 laban sa COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na kabilang sa mga natukoy na ospital ay ang National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, at Philippine General Hospital.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Magiging prayoridad sa nasabing age group ang mga bata na may comorbidities.

Target naman naman Philippine Heart Center na maturukan ang mga bata na edad 15-17 anyos na may heart disease muna.

Ayon naman kay Cabotaje, pwede pang ma-expand sa regular vaccination sites ang inokulasyon ng kabataan kung magiging okay ang lahat sa susunod na 2-3 linggo.

Read More:  Marcos details government preparations for Undas travel surge

Matatandaan na pinagkalooban ng Food and Drug Administration ang Pfizer-BioNTech vaccine ng emergency use authorization upang magamit ito sa mga indibidwal na edad 12-pataas sa June; habang ang Moderna naman ay nag-apply na din para sa EUA noong Agosto.