Rebisco, nabigo sa laro laban sa Saipa ng Iran sa AVC

Nagawa ng Rebisco na maging kauna-unahang Philippine team na nagwagi sa isang set sa 2021 Asian Volleyball Club Championship.

Gayunman, sa laro na ginanap sa Thailand ay natalo pa rin ang pangkat ng Pilipinas sa laro kontra Saipa Tehran ng Iran.

Read More:  Alex Eala braces for third showdown against Alycia Parks in Hong Kong Open

Tumagal ng apat na set ang nasabing laro, kung saan ay nagtapos ang set scores sa 26-24, 22-25, 25-13, 25-17.

Read More:  Alex Eala set for Diana Shnaider rematch in Pan Pacific Open quarterfinals

Samantala, sunod na makakaharap ng Rebisco ang Nakhon Ratchasima QminC sa quarterfinals na nakatakdang ganapin sa Lunes, habang sa parehong araw ay makakaharap ng Choco Mucho ang Supreme Chonburi.