BSP, hiniling ang batas vs coin hoarding

Hiniling ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang batas laban sa hoarding ng malalaking volume ng coins, matapos madiskubre ang P50 million na halaga ng loose change sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito, naniniwala ang central bank na ang criminalization sa naturang aktibidad ay makakatulong sa patuloy na hakbang para mapanatili at maprotektahan ang integridad ng Philippine currency.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ayon sa BSP, ang pagtatago ng mga coins ay nagreresulta sa inefficient circulation ng coins at nagpipigil sa kanilang primary use bilang medium of exchange.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ito rin umano ay nakakaharang sa efficient flow ng transactions at nagdudulot ng artificial shortage, na nagiging dahilan ng disruptive sa financial system.

Sa huli, hinimok ng Bangko Sentral ang publiko na iwasang mag-iimbak ng coins, sa halip ay gamitin ito sa pagbabayad ng goods at services o ideposito sa banko. //MHEL PACIA-TRINIDAD