70 percent ng mga baranggay sa Pampanga, drug cleared na

Ibinahagi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Pampanga ang kanilang pautuloy na pagsasagawa ng drug clearing operation sa lalawigan.

Sa ngayon kasi, nasa 70.1% na ng kabuoang 505 barangays sa lalawigan ang Drug-Cleared na habang nasa 151 na barangays pa ang nananatiling Drug-Affected, at 47 barangays naman ang nanatiling Unaffected sa listahan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Naiulat ito ng PDEA sa naganap na meeting ng Joint Provincial Peace and Order and Provincial Anti-Drug Abuse Council o PPOC-PADAC Members ng Pampanga kasama ang Department of Interior and Local Government o DILG sa pamamagitan ng Zoom Platform.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dito tinalakay ang iba’t-ibang mga programa at aktibidad na isinasagawa sa lalawigan para malabanan ang kriminalidad at illegal na droga.

Kabilang rin sa tinalakay ang pananatiling insurgency-free ng lalawigan.