Koronadal, nakapagtala ng 9 na sunog ngayong Setyembre

KORONADAL CITY — NAKAPAGTALA ng siyam na sunog ang lungsod ng Koronadal ngayong buwan ng Setyembre base sa datus ng Bureau of Fire Protection o BFP-Koronadal.


Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Senior Fire Officer 1 Alden Mallorca, kinabibilangan umano ito ng sunog sa mga kabahayan at vehicular fire.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response


Sinabi din nito na mas marami ang naitalang sunog noong Setyembre kun ikukumpara sa ibang mga buwan simula noong Enero.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu


Matatandaan na kahapon ng hapon limang pamamahay ang tinupok ng apoy sa Odi-Morrow Street, Barangay Zone II, Koronadal City kung saan umabot sa 49 na indibidwal ang apektado.