Rescue operation sa mga street children sa Angeles City, sisimulan na bukas

Nagsagawa ng pagpupulong kahapon ang Angeles City Government at City Social Welfare and Development Officekasa ang City Tourism Office at Angeles City Women Children Protection Center para pagplanuhan ang gagawing rescue operation sa mga street children sa lungsod.

Ayon kay City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., maliban sa mga street children ay isasali na rin ang mga displaced family at mentally challenged individual sa gagawing rescue operation.

Read More:  Panic erupts at Tacloban school after role-playing activity mistaken for another shooting

Aniya, ihahatid ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan o mga lugar na kanilang tinitirhan bago ang kapaskuhan.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Samantala, plano naman ilagay ang mga wala ng matitirhan na mga batang lansangan sa itatayong 20 million center for child care, rehabilitation and reformation center sa lungsod.

Ang rescue operation ay sisimulan bukas, October 1.