NAGA CITY- Walang niiisang paaralan sa Naga City na napasama sa 120 paaralan sa bansa na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng limited face-to-face classes.
Ito ang kinumpirma ni Curriculum and Implementation Division OIC Chief Analisa Abuloc sa pagharap nito sa Konseho.
Aniya mataas ang kaso ng COVID-19 sa kungsod kaya marahil sa mga inirekomenda ng DepEd Naga ay walang naaprubahan kahit ang mga nasa upper Barangay.
As of Sept 27, 2021, sa pampublikong paaralang Elementarya at Sekondarya nakapagtala ng 51, 697 enrollees, mas mataas sa mahigit 49,000 noong nagdaang taon habang sa pribado naman ay 14, 958.