‘Kausap Program,’ layong makapagsalba ng buhay ng mga nakararanas ng depresyon

SORSOGON CITY – Maipabatid at maikintal sa isipan ng mga kabataan na hindi solusyon ang pagpapatiwakal sa problema.

Ito ang pangunahing layon ng Kausap Program, hindi lang sa mga kabataan kundi sa lahat ng mga nakararanas ng depresyon.

Read More:  Pag-IBIG Cebu manager killed after van’s brakes allegedly fail in Negros Oriental crash

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni Joseph de Leon Advincula, isang mental health advocate at pangunahing may akda ng nasabing programa, sinabi nito na ang  depresyon ay walang mukha, walang kinikilalang estado sa buhay at maaaring maranasan ng sinuman kung kaya napakahalaga umano na mayroong mga kahalintulad na programa na handang makinig at maaaring takbuhan ng sinuman na mga makararanas nito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dagdag pa nito, napakahalagang papel ang ginagampanan ng nasabing adbokasiya dahil ang simpleng pakikinig ay nagsisilbing paraan upang makapagligtas ng buhay.

Ayon pa kay Advincula, na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 17 milyong Pilipino ang nakararanas ng depresyon.