Kanselasyon ng business permit ng isang Online Sabong betting station posibleng irekomenda kung hindi masusunod ang health protocols

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Philippine National Police na irerekomenda nito ang kanselasyon ng business permit o franchise ng isang Online Sabong betting Station sa bayan ng Basud, Camarines Norte kung patuloy na malalabag ang health protocols partikular ang social distancing.

Ito ang inihayag ni PMaj Elezaldy Calingacion, hepe ng Basud MPS sa isinagawang Joint Committee meeting ng Health, Sanitation and Social Services, Peace and Order and Games and Amusement ng Sangguniang Bayan kamakailan na dinaluhan ng PNP, Municipal Health Office at operator ng Bluemax Online Gaming.

Kahapon sa regular na sesyon ng konseho ay pinagtibay ang naturang Joint Committee Report.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa nasabing pagpupulong  ay sinabi ni Caligacion na bilang Chief of Police ay palagi nitong ipinapaalala sa mga bettors ang social distancing sa pamamagitan ng araw- araw na megaphone announcement.

Sabi naman ni Dante Miranda, Operator ng Bluemax Online Gaming na hindi sila nagkulang  sa pagpapaalala sa mga bettors hinggil sa social distancing sa pamamagitan aniya ng mga nakapost na advisory.

Tiniyak din nito na ang mga bettor lang ang papasukin  sa venue at hindi ang mga “miron” para malimitahan ang dami ng tao sa loob.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Pinayuhan naman ng PNP si Miranda na maglagay ng gate at magtalaga ng Security Guard upang masiguro na nasusunod ang social distancing.

Dapat din umanong ikunsidera ang area at seating capacity bago magpapasok ng mga bettors.

Inirekomenda rin ang pagkakaroon ng hiwalay entrance at exit upang maiwasan ang close contact.

Suhestiyon naman ni Acting MHO Dr. Rachel Anna Bustos na ma- validate kung nasa tamang sukat ba ang distansiya ng mga upuan.