Senate hearing sa PPE procurement hindi pa alam kung kailan matatapos

Aminado si Senate Blue Ribbon chairman Sen. Richard ‘Dick’ Gordon kung hangang kailan matatapos ang pagdinig ng senado sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga Personal Protective Equipment ng pamahalaan sa kumpanyang Pharmally.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Ayon kay Gordon ito ay dahil marami umano silang nadidiskubre na anomalya sa bawat pagdinig.

Kasabay nito isinulong naman ng ilang senador na suspendihin ang pagbayad sa natitira pang bayarin ng PS-DBM sa naturang kumpanya.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Magugunitang mariing kinondina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang pagdinig dahil imbes na ‘in aid of legislation’ ay nagiging ‘in aid of election’ na nangyayari sa senate hearing.