LEGAZPI-Aabot sa 37 na barangay sa bayan ng Camalig lalawigan ng Albay ang isinailalim sa Enhanched Community Quarantine o ECQ dahil sa nakakalarma ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Kaugnay rin ito ng pagiging Critical Risk Classification sa record ng Daily Attackt Rate sa loob ng 2 linggo .
Ayon sa pinalabas na Executive Order No. 39 na pirmado ni Mayor Caloy Baldo, ito ay bilang pagsasailalim muli sa ECQ sa ilang mga barangays na mataas ang naitatalang nagpopositibo sa nakakahawang sakit.
Nakapaloob sa nasabing E.O ang lahat ng residente kasama ang mga nagtatrabaho, bisita at publiko ang kailangan mag-obseraba ng Minimum public health standards, bawal din lumabas ng bahay ang mga menor de edad at senior citizen, maging may mga karamdaman at mga buntis.
Mananatili pa rin ang Curfew hours simula als 9 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga.
Epektibo rin ang liquor ban at mahigpit na ipagbabawal ang anuman na mga gatherings.
Kasama rin sa mga pansamantalang itinigi ang pagkuha at pagsumite ng modules ng mga estudyante kasama ang lahat ng mga aktibidad sa labas ng bahay.
Samantalang ang natitirang 13 na barangay ang isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ngunit kailangan pa rin nitong sumunod sa iilan na provisions ng Executive Order.