Opisyal ng Pharmally na nagkumpirma ng pag-swindle ng kompanya sa gobyerno, hindi na matawagan – Gordon

Ibinunyag ni Senator Richard Gordon na hindi na ma-kontak ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical na umamin kamakailan na na-swindle o niloko ng kompanya ang gobyerno.

Ipinunto ni Gordon sa kaniyang tweet, na noong ika-siyam na pagdinig ng Senado ay nag-alok ang Senate Blue Ribbon Committee ng porteksyon kay Krizle Mago.

Gayunman, sinabi ng senador na nais muna ni Mago na pag-isipan ito.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ngayon anya, isang araw matapos ang ginawang pag-amin ni Mago na pinapalitan ng kompanya ang expiration dates sa mga face masks at face shields na binenta ng Pharmally sa gobyerno, ay naging “out-of-reach” na ang naturang opisyal.

Una nang sinabi ni Senator Risa Hontiveros na inasahan niyang magiging sapat na ang weekend para kay Mago para pag-isipan ang magiging desisyon nito.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Binigyang diin ni Hontiveros na nagsimula ang laglagan nang ituro ni Mago ang Pharmally secretary at treasurer na si Mohit Dargani bilang nasa likod ng utos na palitan ang mga expiration dates sa mga supplies na binili ng gobyerno mula sa Pharmally.