Trillanes, tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 kung hindi magdedesisyon si VP Leni sa October 8

Handa si dating senador Antonio Trillanes IV na tumakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na taon kung hindi mag-aanunsyo si Vice President Leni Robredo ng desisyon nito sa hapon ng October 8, na huling araw para sa filing ng certificates of candidact.

Sa isang tweet ay iginiit ni Trillanes na tutulong siya na maipanalo ni Robredo ang eleksyon sakaling tumuloy ito sa pagtakbo.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Gayunman, inihayag ng dating senador na pwede rin niyang ituloy ang kaniyang presidential bid kung hindi gagawa ng desisyon ang Pangalawang Pangulo sa October 8.

Iginiit ni Trillanes na hindi siya papayag na matalo ang tinawag nito bilang tunay na oposisyon nang hindi man lang lumalaban.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Una nang sinabi ni Trillanes na hindi tunay na oposisyon sina Senators Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, at Manila Mayor Isko Moreno, na pare-parehong nag-anunsyo na ng kanilang balak na tumakbo para sa pinakamataas na pusisyon sa bansa.