Bilang ng mga PNP members na tinamaan ng COVID-19 nasa mahigit 39,000 na

Tumaas pa sa mahigit 39,000 ang mga tropa ng Philippine National Police na tinamaan ng COVID-19.

Sa datus na inilabas ngayong Sabado, aabot sa 212 na bagong kaso ang naitala sa hanay ng pulisya dahilan upang sumampa sa 39,115 ang bilang ng COVID-19 cases sa PNP.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Ayon sa PNP Health Service nasa 2,279 dito ang active cases.

Read More:  LTFRB tightens monitoring of 20% fare discounts during Undas exodus

Umabot naman sa 36,720 ang naitalang recoveries matapos na gumaling ang karagdagang 198 na pasyente.

Habang umakyat naman ang death toll sa 116 matapos maitala ang isang bagong nasawi.