1 patay, 15 na-rescue sa lumubog na RoRo sa Ormoc City

Palaisipan ngayon sa Philippine Coast Guard ang sanhi ng pagtagalid at paglubog ng isang RoRo/passenger ship sa pantalan ng Ormoc City.

Sa report ng PCG, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa isang maritime incident na kinabibilingan ng MV Lite Ferry 3 banda 11:50 kagabi.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Pagdating umano ng PCG sa Ormoc Port ay nakataglid na ang barko kaya agad itong kumilos para isalba ang mga crew ng ferry.

Mapalad naman nailigtas ang 15 crew members subalit isa sa kasamahan nito ang nasawi na kinilalang si Racquel Alo.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Batay naman sa salaysay ng kapitan ng barko sa PCG, tahimik ang dagat at walang malalaking alon kagabi kaya ganun na lamang ang kanilang pagtataka nang makitang pinasok na ng tubig ang barko habang dadaong na sana sa pantalan ng Ormoc.