12 madre ng Carmelite sa Rizal, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang 12 mula sa 18 madre ng Carmelite Monastery sa Tanay, Rizal.

Inanunsyo ito ng mga madre sa pamamagitan ng kanilang official Facebook account.

Inihayag naman ng mga madre na sila ay fully vaccinated na maliban sa isa na umiinom ng chemo tabs.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Sa ngayon ay sinabi nila na kinokonsidera sila bilang mild cases at symptomatic.

Tiniyak rin nila sa kanilang mga kaibigan na nasa mabuti ang kanilang lagay.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Una nang napaulat na tinatayang nasa siyam na miyembro ng Religious of the Virgin Mary congregation ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Mababatid na kasalukuyang naka-lockdown ngayon ang RVM convent sa Quezon City.