National Costume ng first ever miss universe candidate ng Cameroon, likha ng fashion designer student mula sa San Mateo, Isabela

Eksklusibong ibinunyag ng Fashion Designer Student na si Kennedy Jhon Gasper ang kandidata ng 69th Miss Universe na ginawan niya ng National Costume.

Ang ginawang obra ni Gasper ay gagamitin ng kinatawan ng bansang Cameroon na si Angele Kossinda na isa ring actress sa kanilang bansa.

Sa katunayan aniya, si Angele Kossinda ang kauna-unahang kandidata mula sa bansang Cameroon na sasabak sa Miss Universe Stage.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon sa kwento ni Kennedy Jhon, natuwa umano ang grupo ni Miss Cameroon matapos nitong ipasa sa kanila ang ‘Lion-Inspired’ na National Costume nito.

Napili ni Kennedy Jhon ang inspirasyon na Lion dahil ito umano ang pangunahing hayop sa naturang bansa.

Karamihan sa ginamit na materyales ni Kennedy Jhon sa paggawa ng National Costume ay mula sa mga indigenous materials tulad ng woods, beads, dried leaves, coconut shells at iba pa kasama ang 3D Inspired na Lion Structure.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Dahil dito ay nahirapan silang ipadala ang naturang national costume dahil sa may pagkalakihan ito. Sa ngayon ay nasa Gateway Florida USA ang national costume na inaasahang maipapasakamay kay Miss Cameroon sa May 7, 2021.