Covid-19 patients sa Pampanga, tatanggapin na sa mga District Hospital

Maaari ng pumunta sa mga district hospital sa Pampanga ang mga Covid-19 patients na mayroong mild to moderate symptoms.

Ito ay matapos na payagan ng Department of Health o DOH Region 3 ang 10 district hospital sa lalawigan na tumanggap ng mga Covid patients.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Sa ngayon kasi ang  Diosdado P. Macapagal Memorial Provincial Hospital ang sya lamang tumatanggap ng mga infected patients at kapag kritikal ang mga ito ay inililipat sa ose B. Lingad Memorial General Hospital.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Samantala, ang naging pasya umano ng DOH Region 3 ay dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19 case sa Pampanga.