China—Ang mga linta o leech ay isang uri ng parasitic o predatory worms na matatagpuan sa mga mahalumigmig na bahagi ng kapaligiran gaya ng ilog, putik, at latian.
Madalas, kinakatakutan ang parasite na ito sapagkat sila ay may kakayahang dumikit sa balat ng kanilang hosts, upang humigop ng dugo na kanilang kailangan upang mabuhay.
Sa bansang China, isang 60-anyos na lalaki ang isinailalim sa operasyon matapos na matuklasan ng mga doktor na mayroong mga linta na nakadikit sakanyang lalamunan at nostrils.
Matagal nang iniiinda ng hindi na pinangalanang lalaki ang pagkakaroon niya ng walang tigil na pag- ubo sa loob ng halos tatlong buwan.
Dumaan na siya sa ilang beses na pagpapa konsulta ngunit wala namang nakitang problema ang mga doktor na unang nag eksamen sakanya.
Dahil sa hindi malamang sanhi ng kanyang matagal na pag-ubo, nagpasya ang isang doktor na isailalim ang lalaki sa “bronchoscopy” kung saan ipinapasok ang isang maliit na camera sa bibig o ilong ng pasyente upang makita ang loob ng kanyang air passages.
Dito na natuklasan ng mga eksperto ang dalawang linta na nakadikit sakanyang lalamunan at nostrils. Matagumpay itong natanggal sa pamamagitan ng operasyon at sa ngayon ay nasa recovery stage na ang biktima.
Bagama’t wala pang malinaw na dahilan kung paano nakapasok ang mga linta sa katawan ng lalaki, naniniwala ang mga doktor na nakuha niya ito sa pag-inom ng tubig mula sa bundok.
“When he drank with water (containing the leeches), it was likely that they were very small and undetectable by the naked eye. In the past month or two, the leeches have sucked the patient’s blood and grown,” pahayag ng doktor na komunsulta sa lalaki.### JUMEL DELA ROSA