Drug complaint ni De Lima vs inmate, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang criminal complaint na inihain ni detained Senator Leila de Lima laban sa murder convict na nauugnay sa kanya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ang reklamong conspiracy to commit illegal drug trading laban sa presong si Joel Capones ay ibinasura dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Batay sa reklamo ni De Lima, inamin umano ni Capones noon sa Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256 na siya ay ibang mga miyembro ng ng Sigue Sputnik Gang, kabilang na si Ferdie Morellos, Reynaldo Punga, at Anton Miya, ay nagkasunod at nagbenta ng ilegal na droga kapalit para sa ilang halaga ng pera at ilang benepisyo sa loob ng NBP.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Si Morellos, Punga, Miya, at 10 iba pang hindi tinukoy na mga miyembro ng Sigue Sigue Sputnik ay kabilang sa reklamo para sa naturang krimen.

Maliban dito, naghain rin ang kampo ng senadora ng kaparehong reklamo laban sa kaparehong mga indibidwal.