Inihayag ng Department of Health na bumaba ang case fatality rate ngayong taon sa 1.47%, kumpara sa 2.47% noong 2020.
Ito ay sa kabila na sumipa pa ang mga kaso ng COVID-19 ngayong 2021.
Sa pagtatapos ng 2020, sinabing 472,205 ang naitalang kaso ng COVID-19, kumpara sa 1,929,711 infections mula noong Enero 1 hanggang Setyembre 21, 2021 o katumbas ng pagtaas na 309%.
Kaugnay nito, ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso ng ngayong taon, at may pinakamababang CFR sa 17 rehiyon sa bansa na wala pang 1%.

Dagdag rin ng DOH na mas mababa rin ang CFR sa mga senior citizens ngayong 2021 kumpara noong nakaraang taon.