Suportado ni Senator at Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go ang panukalang limitahan ang paggamit ng face shields sa mga high-risk activities lang, at idinagdag na dapat gumawa ang gobyerno ng balanse sa pagitan ng kaligtasan, comfort at economic considerations sa pagcalibrate sa COVID-19 pandemic policies.
“Pag-aralan natin kung pwede nang gawing voluntary ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na mababa naman ang risk of infection. Baka pwedeng hindi na gawing mandatory kung hindi naman closed or crowded ang isang lugar na walang close contact ang mga tao sa isa’t isa,” paliwanag ni Go.
“Dalawang taon na itong pandemya. Baka napapanahon na gawin natin ito para makahinga ng konti ang mga Pilipino at mapagaan ang hirap na kanilang dinadala. Ang importante naman ay protektado pa rin dahil, una sa lahat, ay buhay ng mga Pilipino ang ating prayoridad,” he further said.
Binigyang diin rin ni Go na sa gitna na minamadali ng gobyerno ang kanilang vaccine rollout, ang pagsusuot ng face shields ay maikokonsiderang non-mandatory lalo na para sa mga fully vaccinated individuals.
“Ang pangunahing proteksyon naman natin ay ang mask at ang bakuna. Dagdag proteksyon ang face shield pero pwede nang hindi gawing mandatory yan kung mababa naman ang risk ayon sa mga eksperto,” he said.
Sa harap naman ng dahan-dahang muling pagbubukas ng ekonomiya, nabanggit ng senador na ang pagsusuot ng face shields ay hindi dapat makaharang sa performance ng kanilang functions sa workplace.
“Paminsan kasi nakakadagdag lang sa pasakit ng ordinaryong manggagawa ang pagsuot ng face shield. Nakaka-apekto rin sa trabaho,” he said.
“Kaya uulitin ko, kung hindi naman crowded, hindi naman closed space, at wala namang close contact, payagan na nating hindi sila magface shield kung ligtas naman,” he reiterated.
Kinilala naman nito na may mga proposals para sa gobyerno na luwagan ang kanilang face shield-wearing policy sa pamamagitan ng paglilimita sa mandatory na pag gamit ng face shields sa high-risk activities sa ilalim ng tinatawag na “3 Cs” (closed, crowded and close contact) framework.
Ito ay kinabibilangan ng mga aktibidad na may exposure risk gaya ng mga kailangan ng close contact based sa uri ng trabaho, prone sa maraming tao gaya sa mga establisyemeto, public transportation, indoor spaces, personal care services, at iba pang kaparehong pagkakataon kung saan ang mataas na risk ng infection ay posibleng o present.
