Duque pina-iimbestigahan sa NBI ang iligal na bentahan ng Tocilizumab

Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na pina-iimbestigahan na nila sa National Bureau of Investigation ang report ng iligal na pagbebenta ng COVID-19 drug na Tocilizumab.

Ito ay matapos ang nangyaring pagkaka-aresto ng apat na indibidwal na sinasabing supplier ng Tocilizumab.

Ayon kay Duque sa ngayon talagang nagkaka-ubusan ng suplay ng naturang gamot sa buong mundo kaya palaisipan para sa kalihim kung saan galing ang ibinibenta ng mga suspek.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Nabatid na nasa P25,000 lamang dapat ang bawat bote ng gamot subalit sa bentahan sa labas ay umaabot ito ng P80,000.

Duda naman si Duque na posibleng peke at counterfeit ang Tocilizumab na ibinibenta sa black market kung kaya’t pinag-iingat nito ang publiko.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Patuloy naman nakikipag-ugnayan ang DOH sa Switzerland kung saan ginagawa ang naturang gamot.

Sa ngayon habang gumagamit naman ang mg doktor ng Baricitinib sa bilang alternatibo sa tocilizumab para panggamot sa COVID-19.