Subic Municipal Health Office hinihikayat ang mga guro na magpabakuna kontra corona virus disease

Hinikayat ng Subic Municipal Health Office ang mga guro na magpabakuna na kontra corona virus disease.

Ito ay dahil ngayong araw ay isasama na sa pagbabakuna ang mga guro na hindi pa nababakunahan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Mahalaga na mabigyan ng proteksyon ang mga ito dahil na rin sa pagsisimula muli ng klase kung saan ang iba ay naghahatid ng mga module o humaharap sa iba’t ibang tao.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala, ang pagbabakuna ay gaganapin mula alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon sa Waltermart ngayong araw.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

No photo description available.