340 kaso ng COVID-19 naitala sa buong Camarines Sur kahapon; Naga City magdaragdag na ng temporary treatment and isolation facilities

NAGA CITY- Umabot sa 340 COVID-cases ang naitala sa buong Camarines Sur kahapon, kasama na rito ang mga kaso sa Iriga at Naga City.

Sa mga kasong ito nagtala ng pinakamarami ang Naga na mayroong 72,  38  naman sa bayan ng Pili, 26 sa  Calabanga , 24  sa Tigaon,  22  sa  Tinambac  , 20  sa Ragay habang isa hanggang labing anim ang nairecord sa iba pang mga bayan base sa tala ng Department of Health Bicol.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon sa DOH Bicol bukod sa hawaan, marami rin ang bilang nang naisasailalim sa swab at antigen testing, pinatibay pa ang contact tracing efforts ng bawat LGU.

Samantala ang Naga City ay nasa Alert Level 4 na, dahil dito iniutos ni Mayor Nelson Legacion ang pagdaragdag ng temporary treatment and isolation facilities. Kabilang dito ang Balatas Elementary School at Don Leon Mercado National High School bukod sa ginagamit na Camarines Sur National High School Annex at Sta. Cruz National High School. Gagamitin din muli ang Our Lady of Lourdes Infirmary bilang Treatment Center.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa mga taga Camarines Sur na pupunta sa Naga para sa mga okasyon, ipinagbabawal ang pagtitipon lalo pa kung sa labas ng bahay ang venue tulad ng parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut , family reunions, bridal or baby showers at iba pa.