Lovi Poe, pangarap na i-remake ang ‘Panday’

Ibinunyag ng aktres na si Lovi Poe na nais niyang magkaroon ng remake ng “Panday” na nagsilbi bilang iconic role ng kaniyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.

Inihayag ito ni Lovi sa isang virtual media conference kung saan ay winelcome siya bilang bagong talent ng ABS-CBN.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Sinabi ni Lovi na pangarap niya na gumawa ng babaeng bersyon ni Panday.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Naniniwala naman si Robi Domingo, na host ng press conference, na maganda ang konsepto na naisip ni Lovi.

Iginiit naman ng aktres na matagal na niyang gustong magkaroon ng action series, na naiiba sa mga nakasanayan niyang romantic at comedy shows.