Unang araw ng implementasyon ng BRTTH sa hindi pagtanggap sa mga non-COVID patients, nagdulot ng kalituhan sa ilang pasyente

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Dr. Eric Raborar ang Medical Center Chief ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na mayroong kaunting pagkalito at pagkagulo ng mga pasyente sa unang araw ng implementasyon ng hindi na pagtanggap ng mga non-COVID patients sa ospital.

Aminado si Raborar na nagkaroon ng minor problem ang unang araw ng pagpapatupad sa nasabing panuntunan pero anticipated na umano nila ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dahil dito ay pansamantala muna nilang tinanggap ang ilang non COVID patients kasabay ng pagpapaliwanag hinggil sa pagpapatupad sa panibagong sistema kung saan nauunawaan naman umano ito ng mga ito.

Oras na matapos ang operasyon o anumang medical procedure sa mga ito ay agad silang ililipat sa designadong ospital na kanilang napagkasunduan at malapit sa kanilang tinutuluyan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Samantala, umabot na sa 89 ang naka-admit na mga COVID patients sa BRTTH kung saan tanging ang mga may moderate, severe at kritikal na kondisyon ang kanilang tinatanggap para sa confinement.

Inaasahan rin ng BRTTH patuloy na tataas o dadami pa ang mga magpopositibo sa COVID-19 sa pagpasok ng “ber” months kung saan marami ang nagkakasakit.