Sasakyan, nahulog sa ilog ng Aborlan, drayber patay matapos malunod

Nahulog sa ilog ang isang Toyota Hilux ganap na 11:55 gabi ng Lunes sa kahabaan ng National Highway, Tagpait Bridge, Brgy.  Tagpait, Aborlan, Palawan

Nakilala ang drayber na si Engr. Rommel Sarmiento Gabinete, 37 taong gulang, may asawa, driver ng Toyota Hilux na kulay itim at residente ng Brgy.  Ramon Magsaysay, Aborlan, Palawan.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Ayon sa pulisya, ang sasakyan ay nalubog sa tubig at si Rommel ay na-trap kaya siya nalunod.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Dinala ang biktima sa Aborlan Medicare Hospital ng rumespondeng Rescue 165 at MDRRMO ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Napag-alaman na bumangga sa barrier ang sasakyan bago ito dumiretso sa ilog.