DILG probe vs di aprubadong ipinapatupad na ‘no vax, no dine-in policy’ sa Cebu City

Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napaulat na umano’y “no vaccination, no dine-in policy” sa Cebu City.

Giit ni Secretary Eduardo Año, ang naturang polisiya ay hindi aprubado ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Dahil dito, inatasan na ng DILG ang regional office sa naturang lungsod na makipag-uganayan kay acting Mayor Michael Rama para suriin ang ginagawa nila.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Binigyang diin ni Año na masyado pang maaga na magpatupad ang naturang lugar ng naturang polisiya dahil sa biling ng kanilang vaccinated population.

Una nito, pinayagan na ng Cebu City government ang mga tao na bakunado laban sa COVID-19 na maka- avail ng dine-in at personal care services.