3 sugatan sa aksidente sa bayan ng Narra

Sugatan ang tatlong indibidwal sa nangyaring aksidente sa 6 lane highway ng Brgy. Malinao, Narra Palawan ganap na 11:30 kagabi, ika-5 ng Setyembre, 2021.

Ayon sa pulisya, ang mga sangkot sa aksidente ay sina Roger Buenavista, 50 anyos, pedestrian, residente ng Purok damayan Brgy. Panacan 2, Narra at sina Lito Condesa, 28 anyos, drayber ng motorsiklo at ang angkas na si Jerry Bungalso Y Baylon, 20 ,residente ng Brgy. Malinao, Narra.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Lumabas sa imbestigasyon na nabangga ng motorsiklo ang tumatawid sa daan na si Roger Buenavista habang nasa madilim na bahagi  na gitna ng kalsada.

Nagtamo si Roger ng bali sa kaliwang paa habang ang drayber ng motorsiklo ay nawalan ng malay at ang angkas nito ay sugatan din.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Dinala ang tatlo sa Narra Municipal Hospital at doon nilapatan ng atensyong medical.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nasa impluwensya ng alak ang pedestrian at ang drayber ng motorsiklo.