CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 515 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines norte matapos na makapagtala ng 80 panibagong kaso ng naturang sakit nitong weekend
Sa magkasunod na araw ay naitala ang tig 40 bagong kaso sa 11 bayan sa lalawigan kung saan tanging ang bayan lamang ng San Vicente ang hindi nakapagtala ng bagong kaso nitong weekend
Nangunguna pa rin ang bayan ng Daet sa may pinakamaraming aktibong kaso na naitatala na may 23, ang bayan ng Talisay ay nakapagtala ng 13, Labo na may 14, 9 ang mula sa Jose Panganiban, 4 sa bayan ng Sta. Elena
Habang ang bayan ng Vinzons ay mayroong 5 bagong kaso, tig -3 ang mula sa Paracale, Capalonga at Basud, 2 kaso ang Mercedes habang 1 kaso ang nagmula sa San Lorenzo Ruiz
Sa ngayong ang Camarines Norte ay may 1,951 total cases, 515 dito ay aktibong kaso.
Bahagya namang umakyat ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa 1,358 matapos na makapagtala rin ng 23 recoveries nitong sabado
habang nananatili sa 79 ang bilang ng mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19
