Kaso ng COVID-19 sa PNP, umabot na sa 35,561

Umabot na sa 35,561 personnels ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang kinumpirma ng PNP sa pamamagitan ng isang Facebook post matapos na makapagtala ng  219 na bagong kaso ang kanilang hanay.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Batay sa datos as of September 5, walang naitalang namatay sa hanay kung kaya’t nananatili sa 108 ang bilang ng mga fatalities sa kanilang tanggapan.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Umakyat naman sa 33,272 ang naitalang recoveries matapos na makapagtala ng 113 na bagong nakarekober mula sa sakit.

Sa kasalukuyan, may 1,813 na aktibong kaso pa ng COVID-19 ang organisasyon.