DBM, naglabas na ng karagdagang P888M para sa SRA ng mga health workers

Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng karagdagang P888.12 million para pondohan ang special risk allowance (SRA) ng private at public healthcare workers na nag-aalaga sa mga COVID-19 patients.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang halaga ay kinuha mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund at Unprogrammed Appropriations sa 2021 budget.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Dahil dito, nasa halos P1.2 billion na ang kabuoang nailalabas ng DBM kasama na ang P311.79 million noong nakaraang linggo, para mabayaran ang mga medical frontliners mula December 20, 2020 hanggang June 30, 2021.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Maliban dito, sinabi ng DBM na may karagdagang P407.08 million na kukunin mula sa 2021 Contingent Fund para makompleto ang allowance payments sa 117,926 healthcare workers – na hindi lalampas ng P5,000 per month.

Samantala, tiniyak naman ng DBM sa publiko ang mabilis na pagpapalabas ng naturang pondo. //MHEL PACIA-TRINIDAD