LGU Legazpi target mabakunahan ang 50% ng kanilang populasyon sa katapusan ng Oktubre

BICOL—Puspusan ang isinasagawang COVID-19 vaccination rollout sa lungsod ng Legazpi para sa layuning maabot ang herd immunity bago ang kapaskuhan.

Ayon kay Mayor Noel Rosal, target nilang mabakunahan ang 50% ng kanilang populasyon bago matapos ang buwan ng Oktubre.

Katumbas ito ng 100,000 na mga indibidwal na kailangang maging fully vaccinated.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa ngayon ay nasa mahigit 40,000 pa lang o 20% ng total population ng lungsod ng fully vaccinated sa kabuuang mahigit 96,000 na mga nabakunahan.

Upang maabot ang herd immunity, 140,000 na mga Legazpeño o 70% ng populasyon ang kailangang mabakunahan.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Positibo naman ang alkalde na kaya itong maabot hanggang sa Disyembre basta tuloy-tuloy lang ang pagdating ng mga bakuna.

Maliban sa mga nakalatag na vaccination centers sa mga malls ay mayroon ding vaccination teams na nag-ikot sa mga barangay para bakunahan partikular ang mga senior citizen.### || slm