Health workers sa mga probinsiya balak magsagawa ng kilos protesta

Nangako ang mga healthcare workers sa mga probinsiya na magsasagawa sila ng mas maraming protest actions habang hindi pa naibibigay ng national government ang mga ipinangakong benepisyo para sa kanila.

Ayon sa Alliance of Health Workers, magsasagawa ng pulong ang kanilang mga leader sa iba’t ibang bahagi ng bansa para planuhin ang kanilang protest actions.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Sinabi ni AHW President Robert Mendoza na maliban sa kanilang hiling na ma-release na ang active hazard duty pay, meal, accommocation at transportation allowances, hihilingin din nila ang resignation ni Health Secretary Francisco Duque.

Inihayag ni Mendoza na dapat panagutin si Duque sa mga anomalya at kabiguan ng kanyang ahensiya. Kinumpirma din ni Mendoza na maraming health workers na naka-assign sa iba’t ibang government hospital sa Central Luzon ang sumama na sa mga protesta at nangakong sasama sa mga serye pa ng kanilang pagkilos.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Nakapagsagawa na din ng protest action ang ilang health workers sa Isabela province dahil sa patuloy na nakabinbing penebisyo para sa kanila.