120-days na supplemental feeding kontra malnutrisyon, umarangkada na sa Koronadal


KORONADAL CITY – UMARANGKADA na ang 120 araw na supplemental feeding sa Koronadal upang labanan ang malnutrisyon sa lungsod. Ito ay matapos na inilunsad ang nasabing programa noong nakaraang Sabado sa Barangay Carpenter Hill na naging hudyat sa pag-uumpisa na mapuksa na ang tumataas na bilang ng mga kabataang “severely undernourished”.

Sa pinagsanib na puwersa ng city government, Rotary Club of Marbel, Philippine National Bank (PNB) at La Forteza Pharmacy ay naisakatuparan ang nasabing programa sa pangunguna naman ng City Nutrition Office kung saaan ang mga ito ay magsusuplay ng pagkain at mga bitamina sa siyam na “severely malnourished” na mga kabataan sa loob ng 120 na araw.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Lubos ang pasasalamat ni Punong Barangay Benedicto Pastera at ng barangay council sa natanggap na donasyon mula sa mga isponsor at sa pagtulong sa mga kaabataan sa kanilang barangay.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sa nasabing okasyon, ginawa rin ang ceremonial planting para sa pagpapatupad ng programang “Gulayan sa Ugsaran” na makakatulong sa mga magulang na makapaghain ng mga masustansyang pagkain sa kanilang mga anak.