Karamihan sa mga severe COVID-19 patients sa San Lazaro Hosp, di pa bakunado

Inihayag ng isang opisyal ng San Lazaro Hospital na tumaas ang bilang ng severe at kritikal na kaso ng COVID-19 sa kanilang ospital. 

Sa isang panayam, sinabi ni Adult Infectious Disease and Tropical Medicine Unit Head Dr. Rontgene Solante na mas mataas ang severe at critical case ngayon kumpara noong kasagsagan ng pagdami ng virus noong Marso at Abril.

Read More:  China Coast Guard fires water cannons at Philippine vessels for second straight day

Aniya, 80% hanggang 90% sa mga admissions nila ang severe at critical at kanilang natukoy na karamihan umano sa mga ito ay hindi pa nababakunahan laban sa virus.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa kasalukuyan, nakapagtala ng 14,216 na bagong kaso ang bansa, dahilan upang lumagpas na sa dalawang milyon ang kabuuang kaso sa bansa na may 2,003,955.