CNPPO Provincial Director nagpaalala ng pagiingat sa pagmamaneho kasunod ng naganap na magkahiwalay na aksidente kung saan 2 katao ang nasawi

CAMARINES NORTE- Nagpaalala sa publiko at sa lahat ng mga motorista si CNPPO Provincial Director PCOL JULIUS D GUADAMOR  ng mahigpit na pagiingat lalo na sa pagmamaneho,

Ang naturang pahayag ay kasunod ng magkahiwalay na aksidenteng naganap kahapon at nitong nakatalikod na araw sa bayan ng Talisay at Vinzons

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 2 katao at pagkasugat ng 9 na iba

Read More:  Heavy rains trigger flooding, damage dikes in parts of Gensan, Soccsksargen

Sa bayan ng talisay naganap ang banggaan ng motorsiklo at tricycle bandang alas 2:45 ng madaling araw kahapon sa Maharlika Highway, P-2, Brgy. Binanuaan, Talisay, Camarines Norte na nagresulta sa pagkasawi ng isang  62 anyos na babae at 6 ang nasugatan

Habang sa bayan ng Vinzons, Dead on the spot ang drayber ng motorsiklo ng makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo sa kahabaan Maharlika Highway, Purok 5, Brgy. Sto. Domingo ng nabanggit na bayan, sa naturan ring aksidente ang 3 angkas ng mga sangkot na behikulo ay kapwa mga sugatan

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Bunsod nito, binigyang diin ni Guadamor na ang pagmamaneho ay kailangan ng ibayong pag-iingat dahil hindi lang buhay ng motorista ang maaring malagay sa peligro, ito rin ay pwedeng magdulot ng kapahamakan sa mga taong maaring maging biktima ng hindi pag-iingat ng ilang mga motorista