ECQ status ng Tuguegarao City, extended hanggang setyembre-5

Extended hanggag Sept. 5, 2021 ang umiiral na Enhanced Community Quarantine status sa Tuguegarao City.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, ito ay matapos aprubahan ng Regional Inter-agency Task Force ang rekomendasyon mula sa health sector at business sektor ng siyudad at dahil na rin sa hindi pa bumababang kaso ng COVID-19 cases sa naturang lugar.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Hinihintay na rin ang ilang pang karagdagang guidelines at protocols na ibaba ang RIATF sa pagpapalawig ng ECQ sa siyudad.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Samantala, mahigpit naman ang panawagan ng City Government sa lahat ng mga mamamayan at sa mga dadayo sa lungsod na istriktong sumunod sa mga minimum public health standard na ipinapatupad sa buong Tuguegarao City.