COVID-19 vax, posibleng maging commercially available sa Q1 ng 2022- FDA

Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) na posibleng maging commercially available na sa bansa ang COVID-19 vaccines sa unang quarter ng 2022.

Ang pahayag ni FDA Director-General Eric Domingo ay matapos na bigyan ng US FDA ng full approval para sa pag-gamit sa mga may edad 16 ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Matatandaan na ang naturang bakuna ay otorisado lang para sa emergency use sa US simula noong Disyembre sa noong Enero sa Pilipinas.

Read More:  Sara Duterte’s lead over Robredo narrows to 7 points – OCTA

Sa gitna nito, sinabi ni Domingo na inaasahan ng FDA na magsusumite ang Pfizer ng aplikasyon para sa approval ng kanilang COVID-19 vaccine para sa market release sa Pilipinas. // MHEL PACIA-TRINIDAD