DOH, bukas sa rekomendasyon ng WHO na bakunahan mga batang may comorbidity

Welcome sa Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na maisama na rin sa vaccination program ng pamahalaan ng mga batang may comorbidity.

Ayon kay Health Secretary Fransisco Duque III, oras na rin daw para mabigyan ng proteksyon ang mga batang may iba pang medical conditions.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Mababatid na kahapon, inirekomenda ni Dr. Socorro Escalante, Coordinator ng WHO for the Western Pacific Region ang pagbabakuna kontra covid-19 sa mga batang may comorbidity lalo na sa mga lugar na may community transmission ng virus.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Ayon sa DOH, makakatulong sa mga batang may sakit ang bakuna kontra covid-19 upang makaiwas sa kritikal na kondisyon.

Kung maaalala noong nakaraang Hunyo, binigyan na ng go signal ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagturok ng covid-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech sa mga kabataang nasa edad 12 pataas. // MHEL PACIA-TRINIDAD