NAGA CITY- Sinimulan na ang pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance sa mga pamilyang nawalan ng bahay o may totally damage houses dulot ng Bagyong Rolly na nanalasa noong nagdaang taon. Kasabay nito ang pay out para sa cash for work.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Social Welfare and Development Office Chief Annable Vargas, sinabi nitong ang ayuda ng DSWD ay P13K; P10K anito ay emergency shelter assistance habang ang P3K ay para sa cash for work.
1, 214 ang benepisyaryo mula sa 22 Barangay na may nailatang totally damage houses ayon pa kay Vargas.
Pagpupunto nito ang listahan ay mula sa Barangay, DSWD ang nag validate.
Para naman sa mga partially damage houses, sinabi ng CSWDO Chief na wala pang
abiso sa kanila ang DSWD kung kailan ipapamahagi ang cash assistance.