Ipinamahagi na ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang P10-million na tseke na pledge niya kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Sa isang pahayag ay hinamon ni Ang si Diaz na kumuha muli ng isa pang ginto sa 2024 Paris Olympics, kung saan ay mamarkahan ng Pilipinas ang ika-100 taong partisipasyon nito sa quadrennial meet.
Tinawag rin ng business tycoon si Pinay weightlifting star bilang trailblazer ng bansa dahil nakamit nito ang kauna-unahang ginto na matagal nang inaasam na makuha ng bansa mula sa Olympics.

Bukod kay Diaz, ay makakatanggap rin ang mga boksingero na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio ng P5-million bawat isa para sa kanilang silver medal finish sa Olympics habang bibigyan rin nito ng P2-million ang bronze medalist boxer na si Eumir Marcial.
Samantala, inaasahan naman na bibigyan rin ni Ang si Diaz ng dalawang franchise outlets mula sa San Miguel Foods, Inc. bilang regalo.