Pangulo, handang tanggapin ang resignation ni Duque, ngunit nanindigan na hindi sisibakin ang kalihim

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggapin ang resignation ni Health Secretary Francisco Duque sakaling gawin ito ng kalihim.

Gayunman, nanindigan ang Pangulo na kahit kailan ay hinding-hindi niya sisibakin mula sa pwesto ang nasabing opisyal.

Inihayag ito ng Pangulo sa gitna ng mga panibagong panawagan mula sa publiko na mapalitan si Duque bilang pangunahing health official ng bansa kasunod ng audit report kaugnay sa umano’y deficiencies ng Department of Health sa paggamit ng COVID-19 funds nito.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Ipinunto naman ng Punong Ehekutibo  sa kaniyang Talk to the People na “yayariin” niya lamang si Duque kung makikita niya na meron itong nakurap na pondo kahit nasa P10,000 lamang ang halaga.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Nangako naman ang Punong Ehekutibo na patuloy niyang susuportahan si Duque dahil wala naman siyang nakikitang mali sa naging trabaho nito.