Kumbinsido ang maraming followers ni Janus Del Prado, na kilalang malapit na kaibigan ni Bea Alonzo, na may kinalaman ang mga cryptic posts nito sa Instagram sa ex ng aktres na si Gerald Anderson at co-star nito sa My Perfect You na si Pia Wurtzbach.
Ito ay matapos ihayag ni Gerald sa viral interview nito na kasama si Boy Abunda na nais niyang humingi ng kapatawaran mula kay Alonzo dahil sa nangyari sa kanila.
Makalipas ng ilang araw matapos ang interview ay sinabi ni Janus sa kaniyang post, “May bagong show ata kaya nagso-sorry kay B. Sa amin nila Direk at OMC team ‘di ka magso-sorry at pinag-away mo kami para lang pagtakpan yung kalokohan mo sa set? Bekenemen.”
Dagdag ni Janus, “Now you know. Magkaiba ang sawsawero sa idinamay. Oh well. #sorrynotsorry”
Hindi nilinaw ni Janus kung sinong direktor ang kaniyang nabanggit sa post at kung alin “OMC Team” ang kaniyang tinutukoy.

Pero base sa ulat ng PEP ay nagsama sina Janus at Gerald sa 2018 Cathy Gacia-Molina film na My Perfect You.
Sa nasabing panahon ay naging kontrobersyal ang pag-unfollow ni Bea kina Gerald at Pia sa IG.
Kalaunan ay nilinaw ni Gerald na nagkaroon lamang ng misunderstanding na agad naman nilang naayos.
Dagdag ng PEP, posibleng ang 2007 film na One More Chance ang tinutukoy ni Janus kung saan ay naging ka-close niya sina Bea at Direk Cathy.
Samantala, sa ibang post naman ay sinabi ni Januse, “Never allow anyone back in your life that has tried to destroy you in the past, even if they say they’ve changed. Remember, only a snake only sheds its skin just to become a larger snake,”