Ppc-Covac sinabi na mayroon nabigyan ng 1st dose covid-19 vaccines na lampas sa panahon na mabigyan ng 2nd dose.

Aminado ang Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council na mayroong mga nabakunahan ng 1st dose ng Gamaleya Sputnik V ang lumampas na sa panahon o araw na dapat matanggap ang kanilang 2nd dose na bakuna.

Ayon kay PPC-COVAC Chairman Dr. Ric Panganiban, 42 days ang itinakdang panahon na kinakailangang mabakunahan, subalit wala pang dumadating na Sputnik V na bakuna at hinihintay pa nila ang ibibigay mula sa National.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaugnay naman sa mixing o pagbabakuna ng ibang brand ay hindi pa nila pinahihintulutan hangga’t wala pang pormal na kautusan mula sa Department of Health.

Kaugnay naman umano sa mga nabakunahan ng 1st dose ng Gamaleya Sputnik V ay maghintay na lamang ng kanilang abiso kung kailan maibibigay ang 2nd dose.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala ngayong araw ng Martes ay mayroong schedule ng pagbabakuna para sa unang 500 na kabilang sa A4 category o mga essential workers sa City Coliseum.

Habang sa SM City vaccination site ay naka-schedule naman bakunahan ang 2nd dose para sa sinovac at AstraZeneca