Senador Go, umapela sa PhilHealth na irekonsidera ang paglalabas ng memo para di malubhang maapektuhan ang mga ospital sa gitna ng public health emergency

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa PhilHealth na pag-isipang muli ang pagiisyu ng Circular No. 2021-0013 na nagpipigil sa pagbabayad ng claims na subject sa imbestigasyon kaugnay ng fraudulent, unethical acts, o abuse of authority.

Hiniling ng senador sa state insurer na bigyan ng palugit ang mga ospital lalo’t nahaharap ang bansa sa pandemya at kailangang magtulungan para proteksyunan ang buhay ng mga Pilipino.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Go, nakipag-ugnayan na sya kina PhilHealth President Dante Gierran, Executive Secretary Salvador Medialdea at Secretary Carlito Galvez  para maresolba na ang isyu.

Bagama’t aniya sang-ayon sya sa hangarin ng PhilHealth na reporma sa kanilang sistema, isaalang-alang din umano dapat ang mga maaapektuhang ordinaryong mamamayan na nangangailangan ng tulong pagdating sa kalusugan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Mababatid na dahil sa circular, naglabas ng joint statement ang Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospitals Association, at Philippine Medical Association na nag-aanunsyong kakalas na sila mula sa state-run health insurer.

Samantala, hiniling naman ng senador sa PhilHealth at concerned hospitals na magtulungan para mapabilis ang pagproseso sa kanilang requirements nang mapabilis din ang pagbabayad ng claims.